Play or Download Karaoke

Biyaya Music Bundle by Meldin Nabia (Bayang Barrios)

"Biyaya"
By: Meldin Nabia

I
Ikaw ang dakilang Lumikha nitong langit at lupa
Maging ang kalawakan ay nabuo sa pamamagitan ng ‘Yong salita
Hinati Mo ang liwanag at ang dilim
Pag-ibig Mo’y damang-dama sa bawat ihip ng hangin

CHORUS
(Kamangha-mangha) Ang lahat ng ‘Yong mga biyaya
(Kamangha-mangha) Ang lahat ng ‘Yong pagpapala
Salamat sa pag-ibig Mo Maging sa buhay kong ito
Pangakong iingatan ko Ang biyaya Mo

II
Hayaan Mong magpugay sa Iyo ang mga naglalakihang alon
Pakinggan Mo aking papuri kasabay ng huni ng mga ibon
Kapangyarihan Mo’y tanglaw ng buong mundo
Kaya’t lahat ng nilalang ay sasamba sa pangalan Mo

CHORUS
(Kamangha-mangha) Ang lahat ng ‘Yong mga biyaya
(Kamangha-mangha) Ang lahat ng ‘Yong pagpapala
Salamat sa pag-ibig Mo Maging sa buhay kong ito
Pangakong iingatan ko

BRIDGE
Walang hanggang papuri sa Iyo, oh Ama
 Sa lahat ng kagila-gilalas Mong mga gawa

CHORUS
(Kamangha-mangha) Ang lahat ng ‘Yong mga biyaya
(Kamangha-mangha) Ang lahat ng ‘Yong pagpapala
Salamat sa pag-ibig Mo Maging sa buhay kong ito
Pangakong iingatan ko Ang biyaya Mo


Play or Download Mp3

Play or Download Mp3 Minus One

0 (mga) komento:

Post a Comment

 
Top